Ang dami ko dapat gagawin bago ako pumasok. Balak ko sana mag-mol, sumama manuod ng sine. Naguguluhan pa nga ako kung anong papanuorin ko eh...'Double Vision' ba o 'Bad Boys II? Sino kayang sasamahan ko? Sila opismeyt ba o sila opismeyt? Ah, ewan! Tinulugan ko na lang silang lahat! Tsalap!! Hehe!
------------------
Paggising ko, labas ako kwarto. Naka-smile ang mami at dadi sabay tanong, 'Nakapag-simba ka?'. Ako naman iling. Sabay simangot sila at buntong hininga. E letse, leyt na nga ako nakauwi tapos di pa ako nakapanuod ng CSI! Eto minsan ang ayaw ko sa magulang ko. Okay na sana sila...tipikal na magulang. Pero pagdating sa pagsimba, nakapa-istrikto nila. Parang ang sama sama ko pag hindi ako nakapag-simba. Ang sipag ko pa mangatwiran dati na ang rason kung bakit ayoko magsimba e ayaw ko maging hipokrita. E pag di ko feel magsimba, di talaga ako magsisimba! Pag pinilit kase ako, parang mas magkakasala ako kase papasok ako sa loob ng simabahan tapos wala naman dun ang puso ko..kebs na! Magsisimba lang ako pag-pil ko..at gusto ko mag-isa lang ako. Alala ko nga dati gustong gusto ko na mag-wok awt dahil ang pangit ng sermon ng pari pero di ko nagawa dahil kasama ko ang buong pamilya. Haay...kelangan ko na talaga bumukod.
------------------
Mejo di pa rin okay pakiramdam ko. Masakit pa din lalamunan ko. Medyo nahihilo pa ko. Dapat nga di pa ko papasok nung isang araw eh. Pero inisip ko, baka mawala yung sakit ko pag nasa opisina na ako at napapaligiran ng maiingay na tao. Nung high school and college kase pag may asthma ako, pumapasok pa din ako para di ko marinig ang pagbilis ng hininga ko dahil sa ingay sa classroom. Gumagana naman...kahit hanggang ngayon.
------------------
Hindi na naman ako nakapanuod ng 'Taken' sa Star Movies. Tsk..Tsk..Balak ko sana pasok ako ng maaga tapos maghahanap ako ng ka-opisina na malapit dito para makapanuod ako bago magtrabaho. Haaay..uulitin naman sa Miyerkules eh. Intayin ko na lang.
------------------
Episode 7 na ako sa Meteor Garden 2. Ewan ko ba kung matutuwa ako kay Yesha o hindi. Mabait siya kay Dao Meng Sz at kul pa! Pero sympre bida pa din si Shan Chai. Kasalanan kase to ng mga kapatid ko eh! Kung hindi ko sila naabutan na nanunuod nito at kung hindi ako na-kyuryus, e di sana di ko kilala ang F4 at hindi ako maloloka sa ka-gwapuhan ni A-Sz! May makita lang akong kamukha ni Dao e tatalunin ko na at re-reypin...Jaz kidding! Hehe! Pero maganda talaga ang MG. Nakakasawa na kase yung mga telenovelas na gawa naten eh..masyadong mediocre..lagi na lang gaya-gaya sa mga Spanish telenovelas. Ngayong sikat naman ang chinovela...sos..asahan nyo na gagawa na naman ng mga script ang Pinoy na samkaynapamilyar. God bless us all!
------------------
August 30...Plumb or CS Team Building?
Gusto ko manuod ng Plumb concert!!! Pwede bang sa ibang araw na lang ang Team Building?! Mas importante ang Plumb! Hehe!
Ang huling concert na napanuod ko e si Brian McKnight nung nag-Valentine's concert sha dito nung isang taon kasama si Regine Velasquez. Kasama ko pa nun si Greatest Temptation. Wag nyo na ipakwento kung anong nangyari nung concert. Masyadong pathetic at kakahiya sa sayd nung lalake. But don't get me wrong, muntik na ako ma-inlab sa kanya..nagka-leche leche nga lang kaya naudlot.
Pero maganda naman yung konsert..naaliw ako kay Brian McKnight. Kaya ngayon, kapag naririnig ko yung mga kanta niya sa radio, naaalala ko yung boylet ko dati..musta na kaya yon? Hmmm.
------------------
Ang wikend nayt sheeft...
Minsan ok, minsan hindi. Kapag pumapasok ako ng wikend na nayt sheeft, lagi akong redi. May dala akong mga papanuorin, o kaya babasahin. O kaya iniisip ko na kung anong mga gagawin ko para hindi masiraan ng ulo sa sobrang pagkabato! Minsan ok kase nga madami kang natatapos na hindi mo nagagawa pag wikdey. Ok din pag may mga bumibisita sayo..yihee! Ang panalo din kase pwede kang matulog kahit saan. Dampot ka lang ng komforter or sleeping bag tapos pumwesto ka sa isang tagong cubicle, solb ka na!
Minsan naman nagawa mo nang lahat ng nabanggit ko kanina pero nababato ka pa din. Haaay! Iba talaga pag madaming tao.
Nagugutom ako! Sana bukas na McDo! I'm hungweee!!! Daym! Nuod na nga lang ulet ako ng MG2.
------------------
Monday, August 4
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment