Why do I like you?
Beats me!
~ ~ ~
Minsan kaya kong sabihin kung bakit kita gusto..most of the time hindi.
YOU'RE REFRESHINGLY INEXPERIENCED. Iba ka sa mga nakilala kong lalake. Siguro kase hindi ka marunong manligaw at pumorma sa babae. Minsan pogi points yun..but most of the time nakakairita. Minsan gusto na kitang lapitan at tanungin kung nanliligaw ka ba talaga o hindi para matapos na ang usapan. Pasalamat ka at di pa ganun kakapal ang mukha ko kung hindi natameme ka siguro!
~ ~ ~
YOU KEEP ME GUESSING. Mahirap ka sigurong kalaban sa basketball. Hirap alamin ng mga moves mo eh! Minsan sunod sunod na pagpapa-cute ang ginagawa mo. Minsan naman kung di pa kita papansinin hindi ka pa kikibo. Ano ba talaga, tsong!?!
~ ~ ~
YOU LET ME CATCH A GLIMPSE OF YOUR SWEET SIDE. Yung manaka-naka mong pag-aya sa akin na lumabas. Mga hirip mong mejo sweet na din kung tutuusin. Mga pagalok-alok mo sa akin ng food. Mga pagkuha mo ng pictures habang hindi ako nakatingin. Mga ganung bagay ba..pampadagdag amor sana kung marunong kang mag-follow through. Teka, teka..marunong ka ba talagang mag-basketball?! Kase dapat alam mo yun eh! Deym!
~ ~ ~
I CAN'T QUITE PLACE YOU. Sa Tagalog, ang hirap mong i-lugar. Pero seryoso, inaamin ko na ngayon lang ako nakakilala ng ganito ka-weirdo pero naman...pag nanliligaw, dapat lagi mong pinararamdam na nanjan ka! Pag nalaman mo na wala shang ginagawa..aba! Magisip ka na ng mga pwedeng puntahan at gawin! Pesteng hawa, baka maagawan ka! Baka magsawa na lang ako kakasipat sayo, kaw din!
~ ~ ~
WHAT ARE YOU REALLY PLAYING AT? Alam mo, bilang ko pa nga ata kung ilang beses ako nag-aya ng sine o di naman kaya kahit kape lang sa kanto. Sa limang beses sigurong nag-aya ako, dalawang beses ka lang sumama! Pramis! At sa apat na beses na lumabas tayo, dalawa dun ako ang nag-aya! 'Nak ng teteng! Kung ako lang talaga ang masusunod, eliminated ka na eh! Sino ba talaga ang nanliligaw sa ating dalawa?!?
~ ~ ~
YOU'RE DRIVING ME CRAZY! Minsan iniisip ko kung hanggang 'crush' lang talaga ang tingin mo sa akin eh. Yung tipo bang 'nice to look at, but I would rather not touch'. Minsan tinatanong ko na sa sarili ko kung may ganun bang lalake. Mukhang meron nga...IKAW.
Kung alam ko lang e di sana di na kita pinagbigyan nung first time mong nag-aya ng movie. Sana hindi ko na hinayaan ang sarili ko na kiligin nung nagiging sweet ka sakin. Sana hindi na din ako humilig sa balikat mo pag nanunuod tayo ng sine. Sana hindi ko na lang pinansin yung mga nararamdaman ko e di sana tahimik ang buhay nateng lahat.
Hay naku..puro na lang sana!
Ewan ko talaga sayo!
####
Author's note: Don't mind me..just wanna let it all out of my system.
Saturday, August 9
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment