Monday, August 25

SSSHHhhhh..Quiet!

Ang sarap palang tumunganga paminsan-minsan.

Yung hindi ka magsasalita. Di mo sila kakausapin. Tahimik ka lang. Nakatingin sa kisame o kaya sa langit. Tapos bubuntong hininga ka..da best!

Yung tipong hindi nila alam kung ano yung iniisip mo. Dahil nga hindi ka nagsasalita at nakatitig lang sa kung saan.

Pwede kaseng tutunganga ka at walang iisipin. Pwede din na tahimik ka pero sa loob ng utak mo e nagsusumigaw ang anik-anik na palaisipan na ikaw lang ang nakakaintindi at nakakarinig.

Sa mga panahon ngayon, pag bigla kang tumahimik kahit may mga kasama ka, sasabihan kang WEIRDO o di kaya AUTISTIC. Alam mo kung anong solusyon jan? Bumili ka ng cellphone na may radyo o di naman kaya isang portable cd player. Pag naramdaman mo na parang gusto ulit ng utak mong kumawala, ipasak mo lang ang earphone at makinig ng radyo or kahit anong musika. Di nila pag-iisipan na ANING ka. Iisipin lang nila na BASTOS ka dahil kasama mo sila tapos makikinig ka ng music magi-sa.

Kung pwede nga may malaking karatula kang ilalabas at isasabit sa leeg mo tuwing gusto mong mapag-isa. Mga tipong ‘Do not Disturb’ o di kaya ‘Talk to me and DIE’. Para lang malaman nila na may bagay pa rin na kung tawagin ay Personal Space.

Hindi ako LONER. Baka isipin mo na wala akong kaibigan, mali ka. Sa sobrang dami nga ng kaibigan ko, nagkakanda hilo na ako sa pag-isip ng paraan para Makita silang lahat.

Dumadating lang talaga ang panahon nakailangan mong mapag-isa. Nagpapasalamat naman ako at madami akong kaibigan. Pero hindi sa lahat ng oras ay kailangan nakapalibot sila.

Tulad ng pagsa-shopping. Ako ang tipo ng tao na mas gugustuhin kong mamili ng damit mag-isa. Siguro dahil wala akong pasensya na pasukin isa isa ang mga tindahan sa mall para lang bumili ng isang pang-taas. Bago pa ako pumunta ng mall ay alam ko na ang gusto ko at kung sang tindahan ko sha bibilhin. Pero pwede din naman akong ayaing mag-mall basta kakain o manunuod ng sine. Pwede din naman akong sumamang mag-ikot basta ba nasa mood ako at hindi ako naka-heels.

O kaya sa opisina. Minsan pagdating ko ay wala pa ako sa wisyong makipag-beso beso sa mga ka-opisina ko. Siguro dahil kulang ako sa tulog o kaya naman hindi pa talaga ako lubusang gising. Bigyan mo ako ng mga ilang oras at okay na ako.

Siguro nagbabago na nga talaga ang panahon. Pasikip na ng pasikip ang mundo at nagiging personal na ang mga bagay na dati ay hindi ganun. Siguro kapag natutunan na ng iba na may mga panahon talaga na ang isang tao ay mapag-isa..e di tahimik ang mundo. Haaay…

No comments: