Bigla lang nameng napag-usapan ang out of town. While we were having dinner at Congo Grille early last week. After name manuod ng Lizzie Maguire The Movie sa Galleria.
Na-excite kameng lahat. Lalo na ako. Lagi kase akong absent sa mga lakad eh. Hirap kase ng abnormal ang schedule, abnormal din ang social life.
So we're all stoked about our trip dahil finally..makukumpleto na kame!
Walo kame sa grupo:
Si AnakNgPasig - Kamukha kase nya si Geneva Cruz na miyembro dati ng Smokey Mountain. Ngayon kamukha nya yung singer na si Nina. She works at a Radio Station as a newscaster. Nag-aral pa yan sa 'Tate para lang matupad ang pangarap nya. Yan din ang 'songer' sa grupo. Ma-drama lang nga kumanta kaya laging nauuwi ang pagkanta nya sa tawanan. Dean's Lister po sha. Pinakamatalino sa grupo kaso minsan sumasablay. Minsan ba namang nag-aabang kame ng cab, ang pinara eh private na kotse! Akala namen na-realize na nya yung katangahan nya ng biglang humarap samen. Pero ang sasabihin pala ay, 'Ay, may sakay!' Daym! 'Ol time fave namen yung kwentong yun!
Si Dayanara - Siguro na-gets nyo na na maganda sha. Pero lemme correct you...naknakan sha ng ganda! Manghang mangha kame ng malaman nameng magiging kaklase namen sha nung college. Pero nung nagsalita na, na turn off kame! Di masyado. Wala kase shang ere kahit alam nyang ubod sha ng ganda. She works at a Telecommunications Company. Proud sha kase naka-isang taon na sha dun (palakpakan naman jan!)! Kaka-break lang nila ng Boo nya kaya medyo sha ang mahilig mag-aya na lumabas ang grupo. Hinahayaan lang namen. Nung college kase, sha yung parang Class President. Ngayon, sha ang taga-organize ng mga gimik. Ok lang, kung san sha masaya, sale na din kame dun!
Si Modelo - Ang Pinakamatangkad sa grupo. Dati nang sumali yan sa Binibining Pilipinas. Napilitan lang mag-backout kase sabe ng school namen papatalsikin sha pag tumuloy. Pero ok lang, Freelance Model sha ngayon. Makikita nyo sya sa commercial ng MagicFlakes, yung sumasayaw sa isa sa mga rooms dun. Sa mga magazines din nakikita namen picture nya. Meron din shang 9-5 job, di ko nga lang alam kung saan. Makulit din yun...cool baga. Sinama nya yung bago nyang boyfriend sa Tagaytay, dun kase kame sa resthouse nila nag-stay eh.
Si Kulit - Eto naman ang parang panganay ng group. Makulit, bossy, war freak pero ok naman. Nung college, sha yung lagi mong makikita sa likod na likod ng classroom. 15 minutes before the bell, tignan mo sha kung pano unti-unting lumalabas ng room..malinga ka lang ng konti, nakaalis na! Panganay kase sa family eh, kaya masyadong responsible. Family driver...kaya sha na din ang driver namen. Sha yung laging may dala ng malaking sasakyan nung college. Tuwa naman kame kase kasya lahat! Nag-resign na sha sa pinagtatrabahuhan nyang Airlines. Punta na kase shang States eh..dun na sha makikipagsapalaran..iwan na nya kame. Pero sabe nya uwi daw sha sa December pag matutuloy kame sa Boracay..Yey!
Ang Problema ng Grupo - Sha na lang ang natitirang may bofriend..ay di Modelo pa pala! Pero sha ang lagi nameng nababalitaan na umiiyak at nagrereklamo tungkol sa trabaho..sa boyfriend..sa life. Kame nam,an, ever reliable, to the rescue lagi ang dating. Alukin namen sha ng ibang trabaho, ibang boyfriend..pero we have yet to find out kung tutulungan nya sarili nya. Nung college, sha yung Pintasera..nahawa lang kame. Pati teacher di pinapatawad. Mejo bully din, pero ok lang. Sha ren yung kasa-kasama ko sa pangongopya at paggawa ng kodigo. Sha rin yung ka-partner ko sa pagtambay at pag cutting classes para lang makapag-chat sa Global Cafe. Pero sha rin yung parang mother ng grupo. Palibhasa, dun kame lage tumatambay sa apartment nya nung college. Sha yung nagluluto ng corned beef, spam at kung anik-anik na pagkain.
Si Pastor-a - Di ko kase alam ang babaeng version ng Pastor eh. So yan. Sha yung Preacher sa grupo. Nagka-boyfriend kase sha nung college ng Born Again. Muntik na magpa-convert at hayun, laging punong-puno ng pangaral ang lumalabas sa bibig. Minsan pinapakinggan namen, minsan kunwaring nakikinig pero ang iniisip e kung pano kame pede mag-disapper na di nya napapansin. Buti na lang wala na sila! Sa kanya ako naging sobrang close. Maliban sa parehong Disyembre ang aming kaarawan at isang linggo lang ang agwat, pati mga magulang namen pareho ng date kinasal! Astig no! Pero sha lang ang wala ng pumunta kameng Tagaytay. Sayang!
Si Barbie - Eto..eto ang Entertainer ng grupo. Nung college pa lang, may potential na shang mag-artista. Sha lage ang lead sa mga plays. Pag kasama sha, walang minutong di ka tatawa. Sa sobrang kakatawa, mauutot ka. She works at a TV Station. Sha yung nakikita nyo dati sa Wow! Mali na nanggogoyo ng mga tao. Ngayon Associate Producer na sha ng 2 shows dun. She was made for that job. Nung isang linggo, nag-perform sha kasama yung mga bading nyang tropa sa Comfort Room para i-spoof yung Meteor Garden - sha si Shan Tsai. Sobrang talented ng babaeng ito. Sa sobrang kakaaliw, minsan hirap kausapin ng seryosohan...gets nyo na kung bakit. At least ngayon, nakakapag-open up na sha. Without her, di kumpleto ang barkada. Hilig magpatawa, sasakit talaga tummy mo! Riot lage!
At Ako - ang Writer ng grupo. Pag may mga projects, paggawa ng essay at reports, ako lagi ang taga sulat. Ma-drama daw kase ako eh. Ako din ang pinaka-shy (Would you believe?). In the first place naman kase, kaya ako nag-take ng Communication Arts nung college eh super duper shy ako. Salamat sa Diyos at nawala na ng konti. Ipag-monologue ka ba naman at ipag-mime sa harap ng klase, di mawala hiya mo! Da Best nung pinagsuot kame ng saya at pinaglakad-lakad sa kahabaan ng Katipunan (Ewww!). Pag may nagtanong kung anong ginagawa namen, we weren't supposed to talk. Turo lang namen yung sign sa dibdib namen na nagsasabeng 'I am an actor!'/em> Kaloka yun! Ako nga din pala ang lagi nilang pinag-iinitan na i-make over. Lahat kase sila marunong mag-make up eh. E ako, di marunong at hindi interesado...palibhasa allergic dun.
Nung pumunta kameng Tagaytay last Saturday, si Pastor-a lang ang wala. So sha lagi ang topic of conversation namen! Pinag-usapan ang mga kabalastugan na pinaggagawa nung college. Yung pagpapalit palit ng papel pag test. Kodigo..kopyahan..pasahan ng sagot..mga teacher na hate at love namen..ang trip nameng magpa-Neoprint kada break na tipong magta-taxi papuntang SM City para lang magpakuha..ang pagkahumaling sa chat..pag cut ng classes..pagtambay sa Netopia na punong puno ng Atenistang lalake..hehe..ang pagkain ng fishball sa UP..ang pagtambay sa Mcdo at Starbucks para mag-brainstorm for our Thesis..haaay!
Overnight lang kame sa Tagaytay pero super saya! Dami nang nagbago pero pag magkakasama kame, it's just like 'ol times. Parang hindi kame nag-graduate at nagkanya-kanyang buhay. Ang gulo gulo pa din namen!
To be around them...to spend time with them is the most rewarding feeling! It's something you only get when you're around the people you love and respect...just like a family.
Tuesday, July 22
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment