FX. Sa unahan ako sumakay.
Usually sa gitna ako sumasakay para malaki ang space para matulog ako at hindi ko katabe ang driver. Pero kebs na at gustong gusto ko nang umuwi.
Nakapasak ang earphone, wala akong pakialam sa mundo. Inaantok na din kase ako eh.
Pero SPOOKY..tuwing naaalimpungatan ako nakikita ko yung driver nakatingin sa ken! WHATTAFFF!!!
‘Siguro sa Call Center ka nagtatrabaho no?’
‘OWENO ngayon!?!?!’. Deadmang OO lang ang nasabe ko.
Sa kabilang stop sign: ‘Siguro ang laki ng sweldo nyo, no?’
‘Tangina mo manong! Mami!!!!! Hoholdapin ata ako neto!’ Pakshet talaga! Tatalon ako palabas ng sasakyan kahit umaandar pa sha! Deym!
Buti na lang nakita ko na ang bababaan ko! Thank you, Lord!
‘SA TABE NA LANG AKO, MANONG!’ Whew! May tinatanong pa yung driver pero dali-dali na akong bumaba. At eto pa ang mas scary..hindi pa umalis kagad yung sasakyan. Nampotah! Susundan pa ata ako! Buti na lang nakasakay na kagad ako ng tricycle! Whew!
Syet ka, manong! Tatandaan kita! Isusumbong kita sa Bantay Bata!
Note: Sa sobrang pagmamadali kong bumaba, hindi tuloy ako sure kung tama nga yung plate number na nakuha ko. Haaayy...


No comments:
Post a Comment