Ang Melrose Place..sikat nga pero sandali lang naman nabuhay..natigok kagad. Puro libog kase sa kaliwa't kanan. Yung lalakeng may syota, nangangaliwa. Yung kinakalantari ng lalakeng mas syota e may-asawa naman. Sos. Di na nahiya. Yung dalawang lalake sa grupo pinapag-agawan ang isang babae. Yung babae naman tuwang tuwa sa nakikita nya. Ano ba yun?!
Ang Sesame Street naman..pioneer. Ang tagal na nakatayo pa din. May mga ka-weirduhan din pero okay lang. Mas nauna sila, okay?! At oo, tama ang hula nyo..dito ako nabibilang. At galit ako. Dahil hindi na tulad ng dati ang samahan namen. Nasira simula ng pumasok yang mga taga Melrose Place. Nagulo ang lahat. Dati lage kameng magkakasama. Ngayon ramdam na ramdam na namen ang nakapataas na bakod sa pagitan ng dalawang grupo. Tinanggap naman namen sila ng maayos ah. Bakit nagkaganyan na?
Akala siguro ng iba hindi ko napapansin ang nangyayari? Ano ako, manhid?! Kaya ko nga sinusulat ngayon dito eh! Kase hindi na ako makapagpigil. Ayoko lang mag-eskandalo at baka kung saan na lang sila pulutin.
At hindi sa mahina kame tumanggap ng pagbabago. Ibang usapan yun. Marami nang pagbabagong nangyari bago pa sila dumating at nakaya namen. Naging matatag kame. Pero lintek! Nung dumating talaga sila, nagka leche leche na ang lahat.
Kung magdasal kaya ako sa Santa Clara ay mababalik ang dati? Malamang hindi. Liban na lang kung tsugihin ko sila. Pero bad yun. Kung magbubulag-bulagan naman ako, e baka matuluyan ako. Yoko naman non.
Hmpf, ako na lang ang aalis.
#########
Author's Note: Masama lang ang loob ko. Badtrip talaga.


No comments:
Post a Comment