Saturday, September 6

BATTLE OF THE SEXES

BATTLE OF THE SEXES

Nagsimula sa akin.

Harmless na tanong lang pero ang daming sumagot. Anjan na si Enigma tapos sumagot din si Deejay. Kakaaliw tignan ang sagot ng mga lalake.



Whew! Ang daming sumagot! Ang dami ding nag-react! Nalaman ba naming mga babae ang sagot? Uhm..mejo.



Eto naman si Promil Kid at binara ang sagot ng mga lalake. Man-hater? Di naman.



Battle of the Sexes na ito mga kaibigan! Pero huweyt! Sasagutin ko muna ang tanong ni Enigma:



-Bakit ang mga babae sa panglabas na kaanyuan tumitingin? Aminin man ninyo o hindi iyon ang una ninyong nakikita sa lalaki.
Hindi lahat ng mga babae. Sympre sa una maa-attract kame sa matangkad. Pero kung mabaho naman ang hininga e dibale na lang! Kanya-kanyang perspective lang yan mga tsong..

-Bakit gustong gusto ninyo sa taong sa tingin ninyo ay perpekto para sa inyo at hindi ninyo binibigyan ng pagkakataon ang isang taong handang ibigin kayo ng buong buo?
Alam naming mga babae na tayo ay hindi perpekto. Ang lalakeng mahal namen ay nagiging perpekto sa aming paningin dahil pilit naming isinasang tabi ang mga flaws nya. GetS?!

-Bakit pag may lalaking nagsabi na may nararamdaman siya para sa inyo ay lumalayo kayo pag hindi ninyo siya type?
Natural?!!? Anong gusto mong gawin namen? Makipag plastikan?!

Pero serious na..may mga babae na kayang makipag kaibigan sa lalakeng nagtapat sa kanila ng pag-ibig nguni’t hindi naman nila gusto.

Meron naming hindi kaya iyon at lumalayo.

Swertihan lang yan.

-Bakit pag ang lalaki nagbigay sa inyo ng bulaklak at hindi ninyo siya type tinatapon nyo lang? Pero pag gusto ninyo yung rosas iniipit nyo pa siya sa libro bago malanta.
Sinong nagsabe sayong tinatapon namen yun? Pinamimigay naman! Hahah!

Pero iba kase pag ang lalakeng gusto namen ang nagbigay.

But don’t get us wrong. We appreciate na binibigyan kame ng bulaklak ng lalake kahit di namen sila gusto. Depende na siguro sa babae un kung anong gagawin nya sa bulaklak pagkatapos.

-Bakit pagmahal nyo na isang tao na nanliligaw sa inyo pinapatagal nyo pa? Paano ba nyo ba nalalaman na mahal ninyo ang isang lalaki?

Ako hindi ah! Sinasabe ko.

Pano namen nalalaman na mahal na namen ang lalaki? Mahirap I-explain yun..mahirap arukin. When it’s there…we just know.

-Bakit kailangan nyo pa tinatanong ang isang lalaki kung nanliligaw siya? Di ba “action speaks louder than voice”?
Natural! Mahirap mag-assume dahil nakakamatay yun!

Mas mabuti nang alam namen ang totoo kesa magpantasya kame at bigla na lang madapa isang araw. Baka ma-inlab pa kame e prends lang pala ang tingin ng lalake…patayan na ito kung ganun!

Kahit simpleng ‘I like you’ lang ok na siguro yun para ma-gets na namen.

-Bakit nambabasted kayo agad eh hindi pa ninyo gaanong kilala yung tao?
Depende nga iyan. Ako pag di ko gusto, sinasabe ko na kagad eh.

If he wants to stay friends, e di kebs. Malay naten ma-develop.

-At higit sa lahat, bakit MANHID kayo pag sinusuyo kayo ng lalaking hindi nyo naman gusto?
E baka naman hindi namen alam na gusto pala kame?

Mahirap talaga arukin ang iniisip mapa-babae o mapa-lalake. Kaya nga we're an interesting species eh! Hahaha!

Pero one thing's fer sure..We gals love to hate men!

No comments: