Bata ka pa nga.
Ang dami mo pang hindi nararanasan. Ang dami mo pang hindi napapag daanan.
Naranasan mo na bang magmahal ng lubusan pero mauuwi lang sa wala dahil pinagpalit ka o sadyang hindi ka na mahal?
Naranasan mo na bang umibig ng tahimik? Na hindi nagsasabe ng nararamdaman dahil takot kang magbago ang lahat?
Naranasan mo na bang magmahal nguni’t kahit alam mong mahal ka din nya ay parang ayaw kayong pagtagpuin ng tadhana?
Naranasan mo na bang umibig ng todo kahit alam mong walang patutunguhan ito? Oo, tinatanong ko kung naranasan mo nang maging martir?
Ang dami ko pang tanong. Masasagot mo kaya yon?
Matalino ka. May pinag-aralan. Basta tungkol sa mga paksang makikita sa libro marunong ka.
Tanungin kaya kita tungkol sa pag-ibig, pagkabigo, buhay atbp. Makakasagot ka kaya?
Tama ako. Marami ka pang dapat matutunan.
Mararanasan mo pa lang yan ngayon. Ngayong lumalabas ka pa lang sa comfort zone mo.
Gugustuhin kaya kitang samahan? Gabayan? Hindi ko alam.
Ayoko naman maging una dahil ang gusto ko..ako ang huli.
Napag-daanan ko na kase iyan eh. Ang hinahanap ko ngayon yung malalim na pag-ibig.
Tapos na ako sa paglalaro. Tapos na ako sa paligoy-ligoy. Tapos na ako sa mga kasinungalingan tungkol sa kung ano talaga ang pag-ibig.
Pakiramdam ko nga ay matanda na ako dahil sa lahat ng napag-daan ko.
Tama nga ang sinabe ko sa sarili ko noon; na kapag hindi ko pinigilan ang sarili ako..mahuhulog at mahuhulog ako.
Wag naman sana masyadong malamin at baka hindi na ako makabangon.
Pag tinitignan kita ngayon, nakikita ko sa mga galaw mo na marami ka pang gusto marating at maranasan.
Hindi ata kita kayang hintayin.
Bata ka pa kase eh.
Author's note: Wala lang..la akong ibang masulat eh...


No comments:
Post a Comment