Tuesday, May 11

Yoohooo....

Yoohooo!! Andito ko..di mo ba ko nakikita?
Tsk..Mashado kaseng malayo ang tingin mo eh. Sino bang hinahanap mo?


*Ah...gusto mo na ba magka-gelpren? Talaga, matagal ka nang bakante?

E ako din naman ah! Matagal na ding wala. Bakit hindi na lang tayong dalawa?

*Ano? Panalo ba yung babaeng dumaan kanina sa harap naten? Yung nakapalda? Ganda ba ng legs?

Bakit ako di mo nako-consider na gelpren-material? Babae naman ako. Hindi nga lang nagpapalda pero ang preperens ko e mga kalalakihan. Di ba sapat yun?

*Hah? Labas tayo sa wikend? Tambay or nuod ng sine?

Sige ba. Me magagawa ba ako kung Barkada lang naman ang tingin mo saken.



Baket ganun..wala na ba akong pag-asang magka-boypren? Sobrang galing ko ba sa pagiging 'one of the boys' na di na talaga ako nakikita bilang babae na marunong din madebelop at umibig?

Ngayon tuloy nagpapantig na ang tenga ko tuwing masasabihan akong 'one of the boys'. Parang ang sarap nilang paguntug-untugin tapos itatapon ko sila sa Payatas kasama ng mga basura.

Maganda naman ako ah! Ikaw lalake, ang dami nga nateng mga interes na magkakapareha eh. Hindi mo ba napapansin yun? Hello? Ubod ka ba ng manhid?



*Ano? Gusto ko ba marinig kung anong nangyari sa date mo nung Sabado?

Ayoko. Ayoko marinig. Ok lang? Napapagod na ko mag-pretend e. Napapagod na ko labanan 'tong nararamadaman ko. Minsan kaya kong maging isang kaibigan lang. Kaso minsan nakakapagod na magsuot ng napakabigat na maskara. Gustung gusto ko nang lumantad.

*Huh? Nagugutom ba ako? Gusto ko ba ng pagkain mo?

Oo, nagugutom ako. Pero hindi sa pagkain. Gutom ako sa pag-ibig. Sa kakabanggit mo na naiinip ka na sa pagiging single, nahawaan mo na tuloy ako.

Kakainis ka talaga.

Sarap mo halikan.


Pasintabi: Pawang kathang isip lang po ito. Maaaring isipin ng mga kakilala ko na hango ito sa totoong mga pangyayari nguni't mali sila.

No comments: