(pagbabalik tanaw sa mga ginawa ko ng mga nakaraang araw...)
Ayoko mag-blog! Ayoko mag-blog!! NOOOOO!!!
Teka, makapag-yosi na lang muna..
(after 5 or so mins)
So, asan na ba ako?
I feel so disoriented and so scatterbrained today, it sucks. Kelangan ko pa ipaalala sa sarili ko ng paulit-ulit kung anong araw na at kung kelan ako may pasok at wala.
*buntonghininga
---
I have been out of the house for the last two days that I now feel soooo tired. To think that the one thing I've accomplished is to get drunk. Isama na din naten ang pagkapudpod ng sapastos ko dahil puro lakad sa mall ang ginawa ko.
During my off Last Thursay, ang aga-aga ko sa mall. I watched 'Ella Enchanted' at the Galleria with Phoeb's, Mel and Jayvee. It was better than what I have expected save for some special effects that the audience didn't buy and the lame ending. Para kaseng Tagalog Film na kumakakanta't sayaw sila sa ending ng movie. Badtrip, ok na sana e. Na-distract pa kame ng kasama ko dahil sa isang couple na nasa harap namen na walang ginawa kung hindi maglambutsingan..sarap buhusan ng iced tea...BITTER!!!!
Naiinis ako dahil kating-kati na akong mag-shopping at gamitin ang aking bagong credit card (salamat sa bangkong nagpadala saken) pero wala..nauwi akong walang dala kung hindi ang bag ko lang. Letse! Sana pala hindi na ko pinadalhan ng bangko ng isa pang credit card para hindi ako ganito! Waaaah!!!
---
Ang labas, yung mga kasama ko ang may nabili at ako naman ay laging nasa labas lang ng mga stores dahil nga hindi ako makapag-decide kung anong bibilhin: IPod or kahit anong ayos na jukebox or sangkaterbang damet. Hay buhay!
Buti na lang at pumunta na kame sa bahay ng isang officemate namen para magsimulang uminom. 6pm yun ah. At pagkatapos ubusin ang isang boteng Sky Vodka at Sprite, nakipagkita na kame sa iba pa nameng kasama sa Bagaberde. Isa na namang gabi ito ng pango-okray.
The things I have discovered that night:
-Si Jimmy Bondoc pala ay hindi kapatid ni Onemig Bondoc.
-Si Jimmy Bondoc pala eh ang pangit ng boses. Kahit mahaba na ang buhok nya at nagwo-workout na sha e nakikita ko pa din si LA Lopez sa kanya. Kaya nga ang mga pinakanta nya nung gabeng iyon e sila Keith Martin na isang buyo lang e kakanta na, si Nina na ang flawless na at bigla atang lumaki ang hinaharap at yung kasama ni Keith Martin na kamukha ni Busta Rhymes.
-Naging si Jimmy Bondoc pala at si Nina. Sus..hindi kase ako magaling sa mga local chismis eh.
-Ang flawless ng skin ni Nina. Iba talaga pang 'songer' at sikat. Samantalang hindi ko man lang maalala na nakita ko sha sa Miriam College nung nag-aaral pa ko dun. Haaay.
-Ang flawless ng skin ni Nina. Iba talaga pang 'songer' at sikat. Samantalang hindi ko man lang maalala na nakita ko sha sa Miriam College nung nag-aaral pa ko dun. Haaay.
-Ang grupo pala nameng magkaka-opisina ay pang-hotel lang ang beauty. Ibig sabihin mas safe pa na nasa hotel kame nagiinuman kesa sa labas dahil sa lakas ng pango-okray namen sa mga kumakanta eh pasalamat kame at hindi lumapit ang mga bouncer o di kaya ay inabangan kame sa labas at inupakan.
-Akala ng mga ka-opisina ko ay maganda ang boses ko dahil mamatay-matay at mapatid-patid ang mga lalamunan nila sa pangbubuyo saken na umakyat ako sa stage at kumanta. Inaykupu...pang videoke lang ang beauty ko. Ayoko pa mamatay ng maaga. Parang awa nyo na. Marami pa kong pangarap sa buhay.
---
Kinabukasan (Friday):
Dapat magkakaron ng Round 2 ang gimik at pupunta kame ng Xymaca ng mga ka-opisina ko. Buti na lang nag-text saken ang barkada ko dati sa Etel at nagpa-spa na lang kame...sa Galleria ulet. Yun lang siguro ang isang magandang nangyari saken. Bukod sa hindi na naman ako nakapag-shopping, I ended up as a third wheel ng nanuod kame ng 'King Arthur' kasama ang boylet ng kaibigan ko.
Buti na lang may yosi ako kung hindi nasiraan na ako ng ulo.
---
Pagkatapos ko makarating ng bahay at magintay sa labas dahil wala kong susi sa gate at parang mantika matulog ang mga tao sa amin, nalaman ko na na-snatch pala ang bag ng sister ko sa labas lang ng Galleria. Naknangtalong, oo! Sumusunod ba sha sa yapak ko?!?
Natangay lahat: cellphone, wallet nya na andun yung sinuweldo nya, lahat ng ID nya at ang kikay kit.
Hinablot daw ng isang driver ng taxi. Sana mabunggo sha..tumilapon ang taxi at ma-disgrasya sha.
So ang labas, hindi muna ako makakabili ng MP3 player na liman-libong taon ko nang pinagnanasaan dahil ibibili ko ng cellphone ang sister ko.
Oo, dakilang ate na ito.
Pagawan nyo na ko ng rebulto.
---
At oo nga pala, malimit na mag-text ngayong si GT. Humihirit na nami-miss nya ako. Lalo na kanina nung sinabe nyang namiss nya ako dahil nanunuod sha ng 'Meet Joe Black' sa Star Movies.
GT (text): Sobrang hawig mo talaga si Claire Forlani. Everytime I see her, I see you as in (smiley face).
Wushu...bola na naman ito.
THE END
(ayoko daw mag-blog pero ang haba na ng nasulat ko!)


No comments:
Post a Comment