Sunday, October 5

Oktoberfest..


Lecheng Oktoberfest yan, hinigop na ata ng Eastwood lahat ng klaseng tao dun nung Biyernes. Bukod sa pamatay na trapik ang naranasan ng lahat, natalo pa ng Oktoberfest ang Edsa Dos! People from all walks of life, man! Mga naka-barong, mga naka-sando at pambahay. Mga naka-boots, mga naka-tsinelas at nakapaa! Bukod sa trapik ng mga sasakyan, pati trapik ng tao naranasan namen!

Kasama ko yung dati kong ka-opisina. Buti na lang naisipan namen na agahan ang punta. Ewan ko ba kung bakit pinagpilitan kong magpunta dun. Pers taym ko kase magka-day off na tamang tama sa Oktoberfest eh! Andami kong inaya para pumunta dun! Mga dating ka-opisina, pati mga kasama ko sa trabaho dinemonyo kong wag pumasok para pumunta dun!

Maga-alas siyete na ng gabe nag-aabang pa din kame ng taxi sa tapat ng Medico Plaza. Nantutsa, walang masakyan! Alam mo ang nangyari? Naki-hitch kame sa dalawang bebot na malamang naawa samen nung narinig siguro na papunta din kameng Eastwood. Para maniwala kayong sobrang trapik, naging buddy buddy na namen yung manong driver, naki yosi pa nga ng Capri eh! Haaay!!

At last! Nakarating din kame sa Eastwood. Lahat ata ng tao papunta dun. All walks of life, man! Mga taong naka-barong, mga taong naka sando at pambahay, mga taong naka-leather jacket kahit naknakan ng init, mga taong naka-botas, mga taong naka-spartan, mga taong galing ng opisina at mga taong malamang ay naubusan na ng matotoma kaya dumiretso sa Libis.

Hang init sobra! Buti na lang nakahanap kagad kame ng puwesto sa Jacks Loft. Habang ang ibang tao eh hirap na hirap na sa pagtayo at paghanap ng lulugaran. Haha! Tawa lang kame ng mga kasama ko sabay inom ng vodka.

Sinubukan din namen umikot ng mainip kame sa kinauupuan namen. Pagtungtong pa lang namen sa pavement ng eastwood walk ay na-realize namen na mali ang ginawa namen. Puro ulo..puro katawan..pati B.O. siguro ng katabe mo maaamoy mo sa sobrang siksikan ang mga tao! Napa-hiling nga ako na sana matangkad ako para pwede ko sila dagukan o titigan ang mga bunbunan nila habang naglalakad. Ni hindi nga kame nakarating sa kung saan mismo ginanap ang Oktoberfest. Sobrang trapik ng mga tao. Bumigay na kame at naglakad pabalik. We ended up sa Dencios. Nahirapan din kame makakuha ng upuan. Binigyan nga kame ng silya pero naghintay pa kame ng ilang minuto bago kame nabigyan ng salung-puwet. Ready na kame mag-order ng makakain at maiinom ng ngingisi-ngising sinabe ng weyter na hindi na sila kumukuha ng order dahil wala ng stock ang kanilang kitchen! Pakshet! Pakshet talaga! Ano ba naming klaseng lugay yun?! Alam na nga nilang Oktoberfest ay hindi sila nagpa-sobra ng stock ng pagkain at inumin! Grrrhhh!!!

Ang kinalabasan namen Whistlestop sa tapat ng Shangri-la mall. Mejo puno din dun at sigurado akong mga galing Libis din yung mga yun. Kasama ko si First Wife na naging barkada ko sa dating club na pinagtatrabahuhan (joke lang!) at si Enigma na kasalukuyan kong kasama sa trabaho. Kain ng crispy pata..lagok ng inumin..hithit ng yosi..sawsaw ng crispy pata sa toyo na may suka..lagok ulet ng inumin..hithit ng yosi. Madami-dami din kameng napag-usapan. Mga hinanakit sa buhay..problema sa lablayf..problema sa sarili at kung anik-anik. Mejo maga-alas kuwatro na nun kaya naisipan na naming tapusin ang session na iyon.


Pers taym sa motel..

Dahil may aatendan shang training ng mga alas-8 ng umaga at nag-aaya pa yung isang kabarkada namen ng breakfast, naisipan naming wag na lang umuwi..naisipan naming matulog kahit sandali sa..

Motel. Oo, sa motel. Ipinara kame ni Enigma ng taksi at ibinulong kay manong kung san kame dadalhin. Natatawa kame ng kasama ko dahil pareho kameng babae at tiyak na pag-iisipan kame ng hindi maganda ng kung sino mang sasalubong samen sa motel. Pero dahil antongertz na din kame, no choice kung hindi go. May tangang tanong pa nga kame sa drayber ng taksi pagdating dun eh..

"Ahm..manong, ano nang gagawin namen?" Alam ko mukha kameng igno..pero kebs at antok na antok na kame!

"Mam, ahm..uhm..(na-weirduhan ata samen yung mama)..bababa kayo at ahm..matutulog." Ampotah! Muntik na ako tumawa ng malakas. Dali-dali na lang akong lumabas ng taksi.

Pero naman, dun sa kwartong pinagdalhan samen..mga ilang minuto kameng tawa ng tawa ng kasama ko bago kame nakapasok..nakita kase namen yung banyo..at ang shower nya..uhm..SEE THROUGH lang naman! Bwahaha! Naman! Wala akong balak silipan yung kasama ko..pareho kameng may boobs at may ano!

So ang ending, natulog na din kame. Pagka-gising na namen pinroblema kung paano tatakpan yung salamin na yun! Since hindi dumidikit ang kumot o tuwalya..naligo ang isa habang nakatingin sa ibang direksyon ang isa! Riot talaga!

Hindi na ako nakasama sa breakfast nila. Umuwi na ako at miss na miss ko na ang kama ko. Hindi man ako nalasing,nakatungtong naman ako finally sa motel! Bwahah!


No comments: