MAHAL ANG PAG-IBIG
Oo nga. Mahal ang pag-ibig.
Hindi nga kameng mga babae ang nanliligaw sa una pero kapag naging mag-kasintahan na, marami-rami din ang mga isinasakripisyo namen.
Una: Sa ayaw nyo’t sa hindi, ang mga babae ang nagdadala ng relasyon.
Ewan ko kung bakit, pero ganun ang madalas nangyayari. Madalang akong makakita ng magkasintahan na ang lalaki ang nagdadala. May makita man ako e matagal na silang isplit o hiwalay na. Pag may nakita kayo sabihin nyo sakin at nang maagaw ko.
Pangalawa: Kame ang taga-alala ng mga importanteng bagay o mga petsa.
Mga anibersaryo o kaarawan, mga dapat gawin at puntahan, kame ang nag-iisip o nagpapa-alala. Para kameng walking calendar kumbaga.
Pangatlo: Responsible din kame na siguraduhing hindi kame mabubuntis.
Sympre pag mag-kasintahan na kayo e may sipingan na nangyayari. Ewan ko lang sa iba.
Ewan ko ba kung bakit ang mga babae lagi ang inaasahang uminom ng pills o magpatingin ng regular sa ob-gyne buwan buwan para magpatingin or magpalinis. E ang mga lalake ano ang ginagawa? Ilalabas lang tapos na.
Hindi naman ako bitter. Pero naisip ko lang na mahirap maging babae. Ang mga lalake isang putol lang tapos na. E kame, bukod sa buwan buwan kameng dinudugo e kame pa ang magluluwal ng mga nilalang sa mundong ito.
Konting appreciation lang siguro ang kailangan namen o mas okay siguro kung mamahalin kame ng lubusan ng aming magiging o kasalukuyang kasintahan.
Bow.
Friday, October 10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment