Saturday, October 18

FEELING...


Feeling ko hindi na ako magmamahal ulet..

Ahm..hija, ilang taon ka na ba?

20 years old.

(Taas ang kilay sabay inom sa iced tea) Uhm..wag ka magsalita ng ganyan at bata ka pa.

Muntik ko na shang isubsob sa kinakain nyang pancakes.
Putsa! Pakiramdam ko tuloy parang ang tanda tanda ko na. Gusto ko sana tumawa ng malakas sabay batok sa kanya pero sympre, feel bad sha kaya kunyari concerned ako ng konti..

Feeling nya kase napaka-grabe na ng nararanasan nya ngayon. Feeling nya hindi na sha makakakita ng matinong lalake.

Haay..dumaan din naman ako sa ganung phase. Nagka-problema sa pag-ibig. Hagulgol..hikbi..sabay tingin sa langit. Tinatanong ko pa ang Diyos noon kung bakit ako? Bakit ako ang binigyan nya ng ganung problema.

Ngayon ko lang naisip na mukha pala akong tanga dati. Na lilipas din lahat ng mga problema ko. Mapapalitan ng mga mas mabibigat o di kaya ay mapapabuti ang buhay ko. Hindi ko alam yun dati. Kaya katulad nya..feeling ko din ay magugunaw na ang mundo.

Yung iba siguro saten ganun talaga. Okay lang siguro na umiyak, magwala at ilabas ang sama ng loob at hinanakit pero tulad ng sinasabe ng mga nakakatanda sa atin, lilipas din iyon. Siguro kung iisipin naten na di habang buhay ay iiyak tayo at magiging mahirap ang buhay e hindi tayo masyado magiging apektado ng mga problema.

Haaay..

Feeling ko hindi na ako makakakita ng matinong lalaki para sa akin..

Nangati ulet ang kamay ko na batukan sha.

Tera, iinom na lang naten yan.


Bait kong kaibigan no!?

No comments: