Saturday, July 7

Wala lang..

Feeling ko nasa Pinas pa din ako tuwing nagkakaproblema ako sa pera. Pinagkaiba nga lang e dito intsik salita ng mga tao, yung iba mababaho pa.

Kung tutuusin kaya ako nagpunta dito para kumita ng malaki at makaipon. Po#!h pag may naiipon naman ako biglang magkakaprobema at kelangn magpadala ng pera sa pinas. WALA PA KONG IPON!!! WTF! 8 months na ko dito, daig pa ko ng mga agents ko at nakaipon na sila para papuntahin parents nila ito.

Sakit na ng ulo ko soobra! Waaaah!

Feeling ko din wala ng kwenta tong trabaho ko. I'm just in it for the money..and the fact na ayoko bumalik ng Pinas muna.

Kainggit nga yung Senior Rep ko eh..nakahanap sha ng part time, dealer sa small time casino. Mantakin mo ca bring home no lower than 1kRMB (6k pesos) sa isang gabe. Tangina, kaya nya makuha yung buong sweldo sa company namen ng isang linggo eh.

Swertihan lang makakita ng part time dito kase kelangan marunong ka mag-Chinese. Pede mag-aral kaso wala akong pang-aral.

Sabe ko nga baka may opening dun sa casino eh, kahit waitress or dancer (as if!) papatulan ko. Di din naman kase ako mashado marunng mag-poker..what more pag nag dealer ako. Leche!

Yun lang!

No comments: