Ang daming tao. Ang daming nagtitinda sa labas. Ubod ng dami ngayon kesa dati.Tsaka ang mga tao din..hindi ko alam kung san nagsulputan..
Ahhh...kase piyesta na samen..December 1
December 1 din berdey ko.Yahhuuuu...
Kaya yung mga kakilala ko na taga-samen hindi nakakalimutan ang berdey ko kase piyesta din sa lugar namen..inuman..kainan..sayawan..
Tsaka celebration din ng World Aid's Day yun.
Astig talaga ang berdey ko no?!
Alala ko nung bata ako at kapag berdey ko laging walang pasok. Lahat hapi-hapi.
Ako naman badtrip kase hindi ako nababati ng mga klasmeyt ko.
Kaya ng grumadweyt ako ng hayskul, masayang masaya ako kase malalayo na ako sa lugar namen at mababati na din ako pag berdey ko!
Wala lang..alala ko lang yung mga berdey ko dati. Laging umuulan..pramis.
Dati naiinis pa ako dahil pag nagpapa-party ako e inuulan. Pero ngayong matanda na ako, nalaman ko na blessing pala yun..pram abab. *winks*
Ngayong taon na to, maraming mga pers na nangyari..
Pers taym kong magpapa-party para sa mga ka-opisina ko. Nung isang taon kase, dinedma ko lang sila. Yung iba kung barkada ang nilibre ko. Ngayong taon sila naman.
Pers taym ko ding na-sorpresa. Nasa opisina kase ako ng pumatak ang berdey ko. Oo, may pasok ako.
Alam ko loser ako! Tapos yung kasama ko pa sa shift e hap-dey kaya ako lang talaga.As in a-l-o-n-e.
Tapos malaman laman ko pag patak ng alas-dose, may nagpatay ng ilaw sa wing namen at biglang may mga boses na kumanta ng 'Hapi Berdey'..ayun..
mejo naiyak ako dahil naka-relate na din ako sa feeling ng sinorpresa sa kanyang kaarawan.
Sinurprise ako nila Enigma, Twin, Uree, Potato Pao, Celtic Soul, Jr. Varsity at si Brat.
Maraming maraming salamat sa inyong mga nag-sorpresa saken. Sobrang touched talaga ako. *sniffs* Hehe!
Kahit walang magreregalo ng boypren saken okay lang..mahal ko pa din kayong mga prends ko!
Malay naten sa Sabado; sa pa-parti namen ni Deej e magkaron na ko ng boypren...hehehe!
WISHFUL THINKING!
Hmpf..hapi berdey na nga lang saken!
*Salamat sa lahat ng bumati!

Jr. Varsity, Celtic Soul, Uree, Me, Brat, Twin and Potato Pao


No comments:
Post a Comment