Wednesday, March 17

Ang Nawawalang Tupa

HANAK NG....

Kung may natutunan ako kahapon, siguro iyon ay wag aantok antok habang nagaantay ng masasakyan pauwi!

Tawagin nyo na akong tanga..kulang na nga lang batukan ko ang sarili ko dahil sa nangyari..

..ganun pala ang pakiramdam kapag nalaman mo na mali pala ang nasakyan mong FX pauwi.. (nininuninu)

Di ko din naman masisisi ang sarili ko dahil kalahati na lang ng mata ko ang nakamulat kahapon habang pauwi ako. Kung may magandang zombie siguro ako na iyon..

Nakita ko lang yung simulang letra ng lugar na uuwian ko, pinara ko na kagad ang FX. Ang tanga ko talaga! Ang yabang ko pang nagbayad at napalakas pa ang boses ko ng tinanong ng drayber kung san ako bababa. Inisip ko pang sobrang bingi nya dahil dalawa lang kameng pasahero nya sa loob at naknakan ng lakas yung radyo na 'Pamela-mela wan' ang tugtog.

Kasalanan siguro itong lahat ni Vhong Navarra dahil ang layo na ng narating namen tsaka ko lang na-realize na mali ang nasakyan ko. Hindi pa ko natulog nyan sa FX ng lagay na yun ah..nagmumuni muni lang ako kaya di ko mashado napansin na kung san san na pala kame nagdada-daan. Akala ko kase nag-shortcut lang eh. (batok sa sarili)

*Potah! Asan na ko?

Sabay tinitigan ko ng maigi yung likod ng karatula na naka paskel sa harap ng FX..

*Letse! Mali talaga ang nasakyan ko!!
*hinga ng malalim...ok lang yan. Lalabas din ang FX ng highway..
Huh...umasa pa ako!

Aba, naka sampung minuto na kameng umaandar sa gitna ng probinsha at napagisip-isip ko na wala na kong pag-asa.

Napatingin ako kay manong..

*Wag ka magpapahalatang mali nga ang nasakyan mo!

Gustong gusto ko ng sumigaw ng 'Para!' pero ayoko magpahalata na tanga ako..TANGA!!! GRRRRRHHH!!!

Ending ng storya, poised akong bumaba ng FX, tumawid at sumakay ng panibagong FX pabalik na naghihimutok ang butse!

Ti-next ko yung mga kaibigan ko tungkol sa nangyari habang pabalik ako..

Pagtawanan ba ako?! Salamat ah!

At ayun, pagkatapos ng limang milyong taon at pitumpu't pitong tupa, nakarating din ako sa amen.


Buti na lang hindi ako taxi drayber...kundi kawawa naman ang mga pasahero ko...haaay...

No comments: