Monday, August 7

potah nakakabato sa trabaho..nakakabato pero maraming kelangan gawin..kelangan tapusin..kelangan i-submit, kelangan i-1:1..leche..andaming gagawin na ayoko simulan..kung gagawin ko ba yun tataas sweldo ko..NOOOOOO!!!!! Kaya di na lang ako magtatrabaho ngayong araw na to..

Ano..bakit di na lang ako mag resign kung madami akong reklamo..oo, intay ka lang malapit na..naga-apply apply na para makaalis na dito sa Pinas..gudbay Dell..gudbye stress sa trabahong hindi man lang ma-compensate ang mga tao dahil sa laki ng tax at kakulangan ng benefits..akala mo lang nakakalula ang job offer pero ang totoo..ang ikinalalaki ng mata mo eh yung tax na ibabawas sayo..lech!

oo nagsisisi ako na nagresign ako..oo na tanga ako..pero marami din naman akong natutunan dito..na wag pipirma kagad ng kontrata porke ba doble ng kinikita mo ang nakalagay dun..parang mirage yan eh..guni-guni mo lang..pag matagal magigising ka na sa katotohanan na mas malaki pa ang take home mo doon sa dati mong trabaho..enjoy ka pa..potah talaga..

oo, aalis na ko..nagbabalak na..nag-aaply na para makaalis na dito..oo may tinatakbuhan akong bakulaw..oo ganun ko kamahal ang sarili ko..ang boypren ko..ang pamilya ko..at ang mga kaibigan ko..ayoko na intayin ang isang araw na biglang mawala ako ng parang bula dahil napatay ako jan sa may kanto lang...mahal ko pa din buhay ko..kaya aalis na lang ako dito..

No comments: